D2 TAYO! (Defend Dignity) sa
RIGHTs Agenda
Tinatawagan at hinihikayat naming ang mga mamamayan, lalu na ang mga botante, na tiyakin na ang karapatang pantao ay pangunahing kabahagi ng pampulitikang adyenda ng lahat ng mga kandidato.
Napakahalaga na maunawaan natin ang mga usapin na karapatang pantao ay hindi nagtatapos sa halalan 2010.
Kailangan subabayan natin ang mga nahalal na mga opisyales sa atin mga lugar ay ipinapaloob at pinapatupad ang mga karapatang pantao sa mga batas, sa pamamahala, sa usaping kapayapaan at sa gawaing kaunlaran.
Gawing Salalayan at Balangkas ang Karapatang Pantao sa mga Panukalang Batas
Put Human Rights in Philippine Laws
- Iratifika ang mga internasyonal na tratado laban sa extra-judicial killings, sapilitang pagkawala at tortyur, at isabatas ang mga ito.
- Prayoridad at sapat na pondo sa mga serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan, pabahay, edukasyon at pagkain. Ibasura ang Presidential Decree 1177 o awtomatikong paglalaan ng malaking bahagi ng national budget sa pagbabayad ng utang.
- Karapatan ng mga bata at kababaihan laban sa pang-aabuso, diskriminasyon, korapsyon, pagsasamantala, at karahasan. Ipasa ng Reproductive Health Bill at batas laban sa diskriminasyon.
- Ipasa ang panukalang batas hinggil sa kompensasyon sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng martial law.
- Pawalang bisa ang Philippine Mining Act of 1995 at pagtibayin ang Alternative Mining Bill.
- Agarang pagpirma at pagratipika sa Optional Protocol sa International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (ICESCR)
Ipatupad ang mga Karapatang Pantao sa mga Plano at Pagpapatupad ng mga Proyektong Pangkaunlaran
Human Rights in Development
- Ipagbawal ang aerial spraying
- Maka-kalikasan, maka-karapatang pantaong pag-unlad.
- Proyektong may respeto sa karapatan ng mga katutubong Pilipino at mga Moro, lalo na ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya at karapatan sa lupaing ninuno.
- Karapatan ng mga manggagawa, karapatan sa disenteng hanap-buhay, sapat at makatarungang pasahod at katiyakan sa trabaho. Pagsugpo sa lumalalang kontraktwalisasyon at pagwasak sa mga unyon.
Gawing Pundasyon ng Kapayapaan ang mga Karapatang Pantao
Human Rights in Peace
- Sinserong pagtataguyod ng prosesong pangkapayapaan at paggalang sa mga karapatang pantao ng magkakabanggang panig.
- Pagpapalaya sa lahat ng mga Bilanggong Pulitikal sa bansa.
- Maayos na rehabilitasyon at sapat na pagkain, pabahay at patubig sa mga naaapektuhan ng labanan ng mga rebelde at pwersa ng gobyerno.
Gawing Pamantayan ang mga Karapatang Pantao sa Pamamahala
- Reporma sa pamamahala at sandatahang lakas para sa pagtatanggol sa mga karapatang pantao.
- Pagsusumite ng mga ulat sa tamang panahon at pagtugon sa mga payo o obserbasyon ng mga kinatawan at komite sa karapatang pantao ng United Nations (UN).
- Buwagin ang lahat ng mga private armies at para-military formations.
PARA SA PANIBAGONG PAMUMUNO, ITAGUYOD AT IPAGTANGGOL ANG KARAPATANG PANTAO!
|
|
Last Updated on Tuesday, 04 May 2010 14:32 |