Statements

Martial Law: Bawat Tanda, Puksain; Bawat Gawi, Hadlangan; Karapatan, Kalayaan – Ipaglaban, Pangalagaan

View Comments

PAHRA Statement on the 42nd Year of Martial Law declaration

September 21, 2014

 Ang Nakaraan

 Apat na dekada at dalawang taon na ang nakaraan noong lagdaan ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos ang Presidential Decree 1081 noong ika-21 ng Septyembre 1972.  Sa araw na ito, ipinataw ni Marcos ang Martial Law sa buong bansa.  Hinudyat sa pagpirma ng decreto ang panimula ng pagyurak  sa dignidad at paglabag sa mga karapatang pantao ng nakararaming mamamayang Filipino.

Di naglaon, naging marahas at madugo ang paglabag sa karapatang pantao, winasak din ang mga murang demokratikong institusyon, pinatupad ang isang agresibong programa sa kaunlaran at pinaypayan ang mga baga ng digmaang sibil.  Sa pagkawala ng pagrespeto at pagpapatupad ng Estado sa karapatang pantao, nasira ang mga pundasyon ng demokrasya,  ng makatao at likas-kayang kaunlaran at ng isang makatarungan at matagalang kapayapaan. ML 2014 Statement

Never Again ML